Tuesday, 17 January 2012

600 na ang friends ko sa Facebook, e ano ngayon?

Opisyal naman siguro ang tala ng bilang ng friends ko sa Facebook, ito’y 600 na sa huli kong log-out. 600 friends na ibinulwak ng pag-accept ng friend requests, pag-click sa Add as a Friend, at pag-like sa mga fan pages. Sa mga 24/7 kung makapag-Internet puwedeng tawanan ang 600 na bilang dahil wala nga naman itong sinabi sa kanilang 2,000 hanggang 5,000.

May dapat bang ipagbunyi sa pagkakaroon ng 600 (online) friends? Dapat ba akong tumalon sa tuwa tulad ng 600 million jackpot prize winner ng lotto? Dapat ba akong ma-touch na sa 600 na yan may 600 na dadamay sa aking kalungkutan, susuporta sa aking aspirasyon, magpapayo sa tuwing nagkakamali?

Natatandaan ko ang sagot ni Hillary Clinton nang tanungin siya ni Maxene Magalona kung gaano kahalaga ang mga social networking sites (Facebook, Twitter, Multiply) para sa isang US Secretary of State. Sagot ni Clinton, empowerment of the individual.

Ang mga social networking sites ay nagpapanday ng virtual relations sa mga taong pumapalaot sa virtual na mundo at tumatangan ng virtual na identidad. Sa akto ng pag-log-in, tumutungo tayo sa dimensyong lahat ay puwedeng marating (wall at fan pages ng iba’t-ibang nilalang), puwedeng gawin (uriratin ang buhay ng iba, makipagdiskusyon, magpost ng kung anu-ano, maglaro ng virtual games), at puwedeng mangarap lampas sa inaasahan (sumikat sa pagkakaroon ng kulto ng tiga-sunod na mag-aabang sa iyong mga litrato, videos, post-entries, tweets). Magagawa ang lahat ng iyan sa simpleng pagbababad sa computer.

At sa pag-log-out, na hudyat ng pagbabalik sa realidad, baon ang karanasan at pantasyang inani mula sa paglalakbay sa virtual na uniberso, dala-dala hanggang sa panaginip, at sa paggising ang mga ito ang magpapaandar sa ating araw. Aba! Tila nga naman empowered ang indibidwal.

Ngunit kakatwa na ang sinasabing empowerment ay nanggagaling sa mediated na bagay—ang karanasang pinanghihimasukan ng computer at Internet para makamit ang kapangyarihang walang lubos na ahensya ang indibidwal. Hindi siya empowered dahil nagmumula ang kapangyarihan sa sarili na hinubog ng makabuluhang pakikipagrelasyon sa lipunan kundi siya ay empowered sapagkat itinakda ito ng asosasyon sa virtual na mundong pag-aari ng negosyo at sistemang kapitalismo.

Social networking sites ang isa sa mga aparato ng negosyo upang magpasok ng transnasyonal na kultura at kapital sa bansa. Minamarkahan nito ang dinamikong pag-usad ng kosmopolitanismo na nagsisiwalat ng ideal na karanasang dapat madanas ng lahat, ang gitnang-uring pamantayang ikaw ay dapat gumawa ng sarili at magpalawak ng espasyo sa virtual na mundong kailanman ay hindi mo tunay na mararating.

Sa aking kontensyon, masikhay ang kampanya ng individual empowerment bilang moda ng intelektwal na produksyon ng sa gayon ay di sumemplang ang kooptasyon ng social networking sites sa paggamit ng makabagong teknolohiya at magpatuloy ang mga ito bilang economically and culturally viable na produkto ng globalisasyon.

Bonus lang kung namamaximize ang potensyal ng Facebook at Twitter na isangkot ang kanilang users sa pakikibaka para sa panlipunang pagbabago. Pakaisipin na kolektibong puwersa na humuhugot sa mga aral ng kasaysayan at ginagabayan ng mahigpit na panlipunang pangangailangang tigib sa wastong linya ng politika at demokratikong metodo ang gasolinang magpapatakbo sa makina ng adhikaing nabanggit, at hindi ang indibidwal na kapangyarihang nakasandig sa gawa-gawang mass base o network ng virtual friends na ang hayag na driving force sa paggamit ng Facebook o Twitter ay libangin ang mga sarili.

Hungkag ang empowerment ng indibidwal sa ganang hungkag din ang kanyang panlipunang relasyon. At ang mala-eskapistang kaisipang nagkakaroon ng 2,000 friends maging ng socially-inept na tao sa pamamagitan ng social networking sites ay nagpapanatili sa alienated na pakikipag-ugnayan.

Biktima tayo lahat ng alienated social relation. Friends tayo, oo, pero di tayo puwedeng maging friends kung wala tayong bagay na bibilhin para makipag-ugnayan. Friend kita pero di kita kilala. Na-accept ko lang iyong request mo kasi 100 ang mutual friends ko sa iyo. Ngayon, ibebenta ko ang aking kaluluwa sa sinumang magsasabi na lahat ng 3,000 friends at followers niya ay tuwiran niyang kakilala, kaibigan, o kamag-anak.

Kaya nga sang-ayon ako sa paratihang ibinabandera ni Kabataan Partylist Rep. Mong Palatino na ang pamosong si Lola Techie ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Imbes kasi na gastahin ng matanda ang kanyang mga huling araw sa aktwal na pakikipagkapwa-tao naroon siya’t sinasaid ang lakas sa pakikipag-usap sa mga virtual na kaibigang di man tiyak kung magagawang bisitahin siya sa kanyang burol.

Idagdag pa ang, para sa akin, di nakatutuwang eksena sa mga coffee shops at leisure places. Nasa iisang espasyo ang mga tao ngunit hindi nagpapansinan, walang pakialamanan, ayaw magambala ang bonding sa kani-kanilang laptops, gustong manatili sa mundong tanging sila ang bida at lahat ng kanilang kilos ay balita na sila-sila rin naman ang nag-uulat.

E ano ngayon kung 600 na ang friends ko sa Facebook? Mukhang wala naman maliban sa kasali na rin sa listahan ng mga biktima ng tila highway robbery na modus operandi ng kapitalismo.

Thursday, 29 December 2011

Asiong, Enteng, at Ina Mo

Natapos na ang Metro Manila Film Festival. Sorry naman, showing pa pala. Bukod sa maraming kontrobersyang bumalot, may mga good news pa rin naman.

Matagal na akong 'fed up' sa kapitalismong sistema ng Star Cinema. Siyempre kapitalismo naman talaga ang oryentasyon ng mga movie makers. Pero nitong nagdaang mga taon, namimihasa na ang Star Cinema.


Hindi ko matanggap na nagba-box office hit ang mga pelikula nila o kung anong pwedeng hit pa ang maaring itawag doon. Masyadong mababaw ang istorya ng mga pelikula. Nakakabobo ng manonood.

Ipinagtataka ko kung paano naging Best Picture and Tanging Ina Last na 'To noong 2010 sa parehong film fest din na 'supervised' by MMDA (Metro Manila Development Authority. ahensya ng gobyerno na namamahala sa kabasurahan ng Metro Manila, at number one na nagpapagulo ng trapiko ng kalunsuran). Doubtful lang ako noon. Nadismaya matapos kong panoorin yung pelikula. Best Picture DAW, ngunit disappointment lamang ang hatid. Dapat nga Rosario talaga yung nanalo doon eh. Kaso nga nakabatay din daw sa sales ang criteria ng Best Picture. So, ibig sabihin malaki palang porsyento ng criterion ang para sa "Audience Impact"?

Mike Enriquez, panira ng araw


Kasalukuyan akong natutulog, at sinindi ng Kuya ko ang TV para panuorin ang paburito niyang Morning Show, and DZBB sa News TV. Ayus lang, bagamat nagising ako, hindi parin ako at yakap-yakap ang unan. Bigla ko’ng narinig ang balitang nagdonate ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng milyones para sa nasalanta ng Bagyong Sendong. “Ayus ah” sabi ko sa sarili ko. Umagang umaga, magandang balita agad.

Ayun sa balita, ang pera ay galing sa mga nasolicit ng mga Komunista sa mga Mining Company. Tapos, ang bararong na si Mike Enriquez ay nagsabi ng “Akala ko pa naman sa kanila mismo galing, sinolicit lang pala”. Tangina, nagising ang diwa ko, kung makapagsalita ang loko, para sama nun. Langya, bakit di na lang puriin? Ganun din naman ang ginagawa ng GMA Kapuso Foundation ah? Mananawagan, tapos yung mga nalikom nila, ipamimigay nila. Hindi rin mismo galing sa GMA7 ang pera.

Thursday, 1 December 2011

Laban ng mga magbubukid, kasalukuyang nasa gitna


Hinati ko sa apat na talata ang Artikulo na ito.
Wala lang...
Paki mo?!

1. Utos ng Korte Suprema
Isa siguro sa mga magagandang balita na nabasa’t narinig ko simula ng umupo si Noynoy bilang Pangulo ay ang utos ng Korte Suprema na ipamahagi ang mga lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka’t manggagawa. Ayus, di ba? Eto pa ang mas nakakatuwa, 14-0 ang botohan. Unanimous decision sa panig ng mga magbubukid. 4,915 na ektarya ng lupa ang ipamamahagi sa 6,269 na trabahador. Idiniin din ng Korte Suprema ang utos nito noong Hulyo Asingko, na bayaran ng P1.33 billion ang 6,269 na magbubukid. Edi may puhunan na. PERO!!!

Tuesday, 8 November 2011

Kailan tayo nagiging Pilipino?


“Pilipino lang ako kapag nanalo si Pacquiao” – Loonie

Binanggit ni Loonie yan sa awit niyang pinamagatang The Bobo Song. Pakingan niyo, ayus yan. Madaming matatamaan, at kasalanan na nila yun kung bakit. Kung interesado talaga kayo, heto:


Sunday, 6 November 2011

Pinoy Monkey Pride and the Social Democrats

Early this month, one interesting video went viral in youtube that after just 48 hours, it has gained 100K views. This has nothing to do with Justin Beiber, or Adele, or even the Beatles. This is all about the 'so-called' Yellow propaganda that the Philippine media has committed. This includes indoctrination of Ninoy as a hero, Cory as a saint, Kris as the Queen, and Noynoy as the 'Best President.


The video tackled the most essential and pressing issues of the current regime that the big media firms refuse to deal with. The maker of the video even asserted that the media (especially ABS-CBN and the Philippine Daily Inquirer) often serve their magnates, those oligarchs who occupy most of the government seat. 

What Baron Buchokoy (the maker of the video) emphasized is very true. There is no such thing as objectivity. The moment the news is created, how it would go, choice of words, and even the selection of who are to be interviewed require personal choice or bias. Baron Buchokoy stated the clandestine obvious there.

Friday, 4 November 2011

Wika: Salamin nga ba?

Panimula: Una itong na ilathala noong minsan, isang gabi, sa isang art gallery, sa art exhibit ng kaibigan ko. At dahil hindi lahat ay nabasa ito. Dapat, ngayon. Basahin niyo. Ang galing. Super like.

Start:

Sinasabing ang wika ay salamin ng lipunan. Salamin din raw ito ng isang tao. Kung ano ang wika mo, ibig sabihin ay ganun kang klaseng tao...

Kung puro mga putang-inang kagaguhan ang lumalabas sa bibig ng isang sira-ulong tambay sa kalsada, ibig sabihin ba noon ay mababa ang pinag-aralan niya at puro katarantaduhan lang ang kaya niyang gawin? Hindi rin ba siya nararapat galangin dahil ang mga lumalabas sa bibig niya'y hindi ginagamit ng mga taong "sibilisado".

And if a person can fluently express himself/herself in English, does it mean that he's/she's a call center agent? Or, I mean, honorable? Civilized? And persons like these deserves to be respected in all means possible?

Well... Kayo ang bahalang sumagot, ang panget kung tanong ko, sagot ko...