Kasalukuyan akong natutulog, at sinindi ng Kuya ko ang TV
para panuorin ang paburito niyang Morning Show, and DZBB sa News TV. Ayus lang,
bagamat nagising ako, hindi parin ako at yakap-yakap ang unan. Bigla ko’ng
narinig ang balitang nagdonate ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng
milyones para sa nasalanta ng Bagyong Sendong. “Ayus ah” sabi ko sa sarili ko.
Umagang umaga, magandang balita agad.
Ayun sa balita, ang pera ay galing sa mga nasolicit ng mga
Komunista sa mga Mining Company. Tapos, ang bararong na si Mike Enriquez ay
nagsabi ng “Akala ko pa naman sa kanila mismo galing, sinolicit lang pala”.
Tangina, nagising ang diwa ko, kung makapagsalita ang loko, para sama nun. Langya,
bakit di na lang puriin? Ganun din naman ang ginagawa ng GMA Kapuso Foundation
ah? Mananawagan, tapos yung mga nalikom nila, ipamimigay nila. Hindi rin mismo
galing sa GMA7 ang pera.
Sa Php 1,000,000 lang, malaking dagdag na ito sa pondo ng
New People’s Army (NPA), ang hukbo ng partido, at ng bayan. Marami na silang
mabibiling kagamitan nila. Daig pa ngayon ng CPP ang pamahalaan natin, dahil si
Pinoy ay nagpaparty ng kasagsagan ng bagyo.
Ipinagdiriwang ng CPP ngayon ang 43rd anniversary
nila, at ang ilan sa pondo nila ay nakalaan para sa party-party ng communist
party. Maganda ng pamasko at pambagong taon ang ginawa nila. Eh ang gobyerno,
ano?! Sabihin na natin na maganda ang imbestigasyon kay GMA, pero, pano naman
sila Ampatuan? Ang mga iba pang issue? Kakulangan ng budget sa edukasyon at sa
serbisyong panlipunan. Kawalan ng lupa ng mga magsasaka, na tatalakayin ko sa
susunod kong blog.
Tandaan natin na ang CPP, at lalo na ang NPA, ay nakikibaka,
kahit walang sahod. At kung may gagawin silang pagdodonate, at pagtulong, wag
ng husgahan, puriin na lang.
Dagdag kwento lang. Nagkaroon kami dati ng kasambahay na
taga katimugan ang laging nagsasabi ng “Mas nakakatakot pa yung mga militar,
bigla ka na lang dadamputin, eh yung mga NPA, makiki-usap lang kung pwedeng
humingi ng konting pagkain, tumutulong pa sa mga gawain namin.”
At Kay Mike Enriquez, wala, di na kita hinahangaan.
Dagdag babasahin:
Perwisyo kayong mga komunista kayo!!
ReplyDelete